Friday, October 31, 2008

ilog, dagat, bundok, lawa

Oct. 26-31, 2008
Bohol-Dumaguete, Philippines


ako ay isang tunay na saksi! mayaman nga ang ating bansa sa kalikasan. naman, wala pang isang linggo nalibot ko ang iba't ibang anyo ng kalikasan. wahoo!



Loboc River, Loboc, Bohol
*kung sasakay at kakain ka sa kanilang floating restaurant, 300 ang bayad at lamon all you can na sa mga handa nila. Mga isang oras din ang paglakbay nyo sa ilog at pabalik sa tourist center. may mga madadaanan kayong mga booth sa may gilid ng ilog na may mga kumakanta at sumasayaw ng mga lokal na awit.



Bohol Beach Club
*eto ay isang pribadong resort pero maaring magbayad ng 250 para sa isang araw na pagpasyal, paligo sa dagat at sa pool. Maaring ibili ng pagkain ang 150 mula sa bayad na to. lalabas na 100 lang talaga ang entrance fee. Matatagpuan ito sa isla ng Panglao, mga 20 mins. mula sa Tagbilaran.




CUFAI Community, Calinawan, Sibulan, Negros Oriental
*hmmm, mga 2 oras mula sa Dumaguete paakyat ng bundok, tawid ng ilog, etc. Mabuti na lang may sasakyan kami. Dito nakilala namin ang isang forest ranger na ex-kainginero. Sila yung mga naninira pumuputol ng mga puno sa kagubatan bilang kabuhayan, di nagtagal napansin din nila ang sirang nagawa nila kaya naisipang bumaliktad at pangalagaan na ngayon ang kanilang mga kabundukan.






Twin Lakes, Balinsasayao, Sibulan, Negros Oriental
mga wala pang isang oras mula sa Dumaguete City, kailangan ng 4x4 na sasakyan at matagtag ang daan paakyat ng bundok. Kailangan maglakad ng mga 10 minutes papunta sa bukana ng lawa, at sasakay ng bangka patawid at mapuntahan ang view deck para makita ang lawa sa kabilang side nito. Maulan nung nagpunta kami pero bahagya din tumigil at sumilip ang araw. Ganda, ganda!

Kaya pala masakit ang buong katawan ko...haaay. hehe...

No comments:

Post a Comment