Sunday, January 25, 2009

ang pagjejebs...

ay maaring maihahantulad sa pagba-blog.

tila masakit sa tiyan at di ka mapakali. lagi kang nababagabag at natatanto mong kailangan na talaga siyang ilabas. paikot-ikot ka sa kinaroroonan mo, maaring sa pagkakaupo, pagkakatayo, pagkakahiga, kahit habang naglalakad. ramdam mong kailangan na siyang itakbo bago tuluyang bumulwak at kumalat.

at hindi ka maaring gumawa ng iba pang bagay hanggat hindi mo ito natatapos.

sa sandaling ikaw ay makaupo na sa wakas at tuluyan nang mailabas ang lahat ng nasasaloob pakiramdam mo ay unti unti ng gagaan ang iyong pakiramdam at maging maaliwalas na ang iyung pagmumukha.

hanggang sa kinahuli-hulihang ire at patak.

phew!

ayan, pwde ka na uli mag ipon ng mailalaman. pwde na uling magpakabusog sa karanasan at mga katuturan.

hanggang sa muling pagjejebs, este pagba-blog!

No comments:

Post a Comment